Lazada Philippines
Lazada Philippines

Friday, June 13, 2014

Ryzza Mae Dizon's Star-Studded 9th Birthday Celebration

Ryzza Mae Dizon on 9th birthday with Kris Aquino and Bimby
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14432348113/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang child superstar at TV host na si Ryzza Mae Dizon ay nagdiwang ng kanyang ika-9 na kaarawan nitong Huwebes, June 12, 2014 kung saan dumalo ang mga bigating celebrities sa bansa.

Nagpost si Ryzza ng mga larawan at videos ng kanyang birthday party sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga greetings ng mga kapwa niya celebrity.

Sa isang larawan, makikitang si Baby Zion, anak ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay nakahawak ng greeting poster para kay Ryzza. Ito ay orihinal na ipinost ni Sarah na siya namang ipinost din ni Ryzza.

Sa mga videos naman ay makikita ang ilang celebrities na bumabati kay Ryzza katulad ni Enrique Gil at Bea Alonzo.





At siyempre di mawawala sa naturang party sina Kris Aquino at James 'Bimby' Yap kung saan nakasama niya sa pelikulang 'My Little Bossings' at siyempre ang pinakaespesyal niyang mga co-host sa Eat Bulaga.


0 comments:

Post a Comment