Lazada Philippines
Lazada Philippines

Thursday, June 12, 2014

Maja Salvador Kneels Before Angel Locsin On 'The Legal Wife'

Maja Salvador kneels before Angel Locsin in The Legal Wife
Courtesy of Michael Howard
https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/michaelhoward836/14217586357/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang 'The Legal Wife' ay nag-dominate na naman sa Twitter trends sa Pilipinas at sa buong mundo noong Miyerkules nang ipalabas ang isang scene kung saan si Nicole (Maja Salvador) ay lumuhod at umiyak kay Monica (Angel Locsin) para lang makita si Adrian (Jericho Rosales).

Sa episode nito noong June 11, naaksidente si Adrian pagkatapos niyang pumayag na mag file ng marriage annulment kay Monica.

Agad na dinala sa ospital si Adrian, kung saan si Monica at Nicole ay nagkita.

Nageskandalo si Nicole sa ospital habang ipinaglalaban niya ang kanyang karapatan na makita si Adrian dahil ito ang ama ng kanyang anak at pinagbibintangan niya si Monica sa aksidenteng nangyari kay Adrian.

Pero nagmatigas si Monica at pinaalis si Nicole dahil siya daw ang legal na asawa.

Sa huling yugto ng episode, makikitang si Nicole ay luhaan at sinabing hindi niya kayang mabuhay ng wala si Adrian habang dinadamayan siya ng kanyang kaibigang si Rowena (Matet de Leon).

Kalaunan ay bumalik siya sa ospital pero hinarang siya ng security hanggang sa dumating si Monica, at sa unang pagkakataon ay lumuhod si Nicole at nagmamakaawang makita niya si Adrian kahit isang minuto man lang.


0 comments:

Post a Comment