Lazada Philippines
Lazada Philippines

Tuesday, June 10, 2014

Claudine Barretto Posts Bail In Robbery Case Filed By Former House Helper Jenifer Murillo

Claudine Barretto Drama taping
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/14389787434/

License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode
Bago pa man mahainan ng warrant of arrest ay nakapagpiyansa na ang aktres na si Claudine Barretto para sa kasong robbery na isinampa ng dati niyang kasambahay na si Jenifer Murillo.

Ayon sa utos ni Judge Felix Reyes, na may petsang June 6, boluntaryong sumuko si Claudine sa Marikina Regional Trial Court upang magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P100,000.

Bunsod nito, ibinasura na ng korte ang inihaing apela ng kampo ng aktres noong April 21.

Kasabay nito ay pinayagan ng korte si Claudine na magbayad ng piyansa upang pansamantalang makalaya.

Unang inihayag ng legal counsel ni Jennifer, si Atty. Richard Quicho, na pormal nang nakasuhan ng robbery si Claudine sa Marikina RTC noong April 7.

Kaugnay ito ng insidente noong August 2013, kung saan sapilitan diumanong kinuha ni Claudine ang mga kagamitan ni Jenifer bago tuluyang pinalayas ang dating kasambahay. 

Kabilang dito ang passport, birth certificate, ID pictures, portable media player, cell phone, speaker, at tablet—na may kabuuang halagang P16,000.

Nauna nang inihayag ng kampo ni Claudine na ang naturang robbery case ay bahagi diumano ng isang “grand scheme” ng mga kaalitan ng aktres—ang estranged husband nitong si Raymart Santiago at ang estranged sister nitong si Gretchen Barreto.

Ngunit agad namang pinabulaanan ng kampo ni Raymart ang alegasyong ito ni Claudine.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng arraignment at pre-trial para sa kasong robbery na isinampa ni Jenifer laban kay Claudine sa Marikina RTC sa June 11.

0 comments:

Post a Comment