Lazada Philippines
Lazada Philippines

Friday, June 13, 2014

Former PBB Housemate Divine Maitland-Smith Goes Topless on FHM Philippines

Divine Maitland-Smith on FHM
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/14409630974/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Divine Maitland-Smith ay nagpakita ng kanyang sexy at daring na katawan, maliban sa kanyang mga tattoo sa unang appearance niya sa men's magazine na FHM Philippines.

Ang 23 year old na si Smith na kasama sa PBB Unlimited edition noong 2012 ay nag-topless para sa June 2014 issue ng naturang magazine.

Sa interview ni Divine sa official website ng FHM, sinabi niya na hindi niya kayang palagpasin ang ganitong oportunidad lalo na at ito ay labas sa kanyang comfort zone.

Ang Filipino-British at native ng Cebu na si Divine ang huling housemate na na-evict sa fourth season ng PBB. Sumali siya sa naturang reality show para maging inspirasyon siya ng lesbian community dito sa Pilipinas. Siya rin ay na-link sa grand winner noon na si Slater Young kahit na mayroon siyang non-showbiz girlfriend sa panahon na iyon.

Samantala, si Divine ay kasalukuyang sangkot sa isang kontrobersiya kung saan nahanapan ng marijuana ang kanyang luggage sa Ninoy Aquino international Airport.

Ayon sa report, naiwan ni Divine ang kanyang luggage sa isang taxi na kung saan isinauli ito ng driver sa lost and found section ng NAIA noong May 29, at ng nainspection ang kanyang luggage, nakitaan nila ito ng marijuana sa loob.

Pinabulaanan naman ito ni Divine at sinabi niyang hindi niya alam kung anong nangyari noong naiwan niya ang kanyang bagahe sa taxi.


0 comments:

Post a Comment