Lazada Philippines
Lazada Philippines

Saturday, September 13, 2014

Roxanne Cabanero Named Miss World PH Official Candidate And Quits 2 Days Later

Si Roxanne Cabanero, ang isa sa mga umakusa sa TV host na si Vhong Navarro na nanggahasa daw sa kanya umano noong 2010 ay nag-withdraw sa Miss World Philippines 2014 pagkatapos lamang ng dalawang araw ng siya ay maipakilala bilang official candidate.

Ang heartbroken na si Roxanne ay nagpadala ng sulat sa pageant organizer na si Cory Quirino sa kanyang naturang desisyon.

Roxanne Cabanero
Courtesy of Sara Abend
https://www.flickr.com/photos/saraabend/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/saraabend/15036014737/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Ipinakilala ng Miss World Philippines ang kanilang official candidates para sa taong ito noong Miyerkules at si Roxanne ang isa sa pinakakilalang kandidata dahil sa kanyang legal battle laban kay Vhong Navarro.

Ang finals night ng Miss World Philippines ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa October 12 at ang mananalong kandidata ang siyang mag-rerepresent sa Pilipinas sa Miss World Pageant kung saan ang reigning Miss World 2013 ay si Megan Young.

0 comments:

Post a Comment