Lazada Philippines
Lazada Philippines

Friday, September 19, 2014

Cherry Pie Picache's Mom Murdered Inside Her House

Ang ina ng aktres na si Cherry Pie Picache ay pinatay sa saksak ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Biyernes.



Ang biktimang si Zenaida Sison ay natagpuang walang buhay sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ayon sa mga pulis.

Cherry Pie Picache Palibhasa Babae
Courtesy of Tilly Holland
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/
Direct URL of image: https://www.flickr.com/photos/tillyholland/15291165852/
License: https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/legalcode

Sinabi ng kaibigan ni Cherry Pie na si Peter Serrano na nagdesisyon ang aktres na magpunta sa bahay ng kanyang inang si Zenaida ng hindi niya ito makontak sa kanyang cellphone.

Bago sila pumasok sa bahay ng kanyang ina, nakita nilang bukas ang pangalawang gate ng bahay.

Sinabihan ni Cherry Pie ang kanyang driver na magpunta ng second floor para i-check ang kanyang ina kung saan natagpuan nila itong wala ng buhay.

Si Zenaida ay mag-isa lamang na naninirahan sa kanyang bahay. Siya ay may tatlong tagapaglinis na pasalit-salit na bumibisita at mayroon din siyang hardinero.

Saad pa ni Peter na kilala si Zenaida sa kanilang village kaya mas madali para sa kanya ang manirahang mag-isa.

0 comments:

Post a Comment