Lazada Philippines
Lazada Philippines

Wednesday, January 21, 2015

Nora Aunor Fears For Life As She Receive Threats

Nakakatanggap umano ng text messages ang aktres na si Nora Aunor laman ang banta sa kanyang seguridad nitong mga nakaraang araw.



May kinalaman daw ito sa kasong isinampa niya kay Saturnino Aunor.

Aminadong nangangamba rin ang aktres pero wala na umanong atrasan ang laban niya sa sariling pinsan.


Bandang alas 10 ng Miyerkules dumating sa municipal trial court sa Iriga City si Aunor para sa arraignment o pagbasa sa mga kasong perjury at false testimony laban kay Saturnino na nanindigan sa "not guilty" plea.

Pero paglabas ni Saturnino sa korte, muli itong pinosasan ng pulis dahil sa isa pang kasong perjury na isinampa sa Naga City.

Nag-ugat ang away mag-pinsan sa umano'y pagbenta ni Saturnino ng 10 ektaryang lupain na pag-aari ni Aunor sa Iriga.

Ayon sa kampo ng aktres, posibleng masampahan ng panibagong kaso si Saturnino dahil sa mga text message.

Nakabalik na sa Maynila si Aunor Miyerkules ng hapon, pero ipinaalam nito na may gagawin siyang pelikula sa Bicol sa mga susunod na buwan.

0 comments:

Post a Comment