Lazada Philippines
Lazada Philippines

Tuesday, December 9, 2014

Joey De Leon Tweets About Typhoon Ruby Attacking Korina Sanchez?

Tila pinatamaan ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon ang newscaster na si Korina Sanchez kaugnay ng komento ng huli na sana ay lumihis ang bagyong Ruby sa Japan.


Hindi pinangalanan ng Eat Bulaga! host kung sino ang pinatutungkulan niya.
Ngunit kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang mga binitiwang salita ni Korina sa TV Patrol noong December 3.

Sabi ni Korina, nang ihayag ng kanyang co-anchor na si Noli de Castro na parehong apektado ang Pilipinas at Japan ng bagyong Ruby, sinabi ni Korina na kung puwede sa Japan na lang lahat?

Umapela ang co-anchor ni Korina na “huwag naman” sanang bagyuhin nang todo ang Japan.

Sagot ulit ni Korina, na sa kanila na lang lahat dahil parang kaya naman daw nila.

Base sa komento ng Twitter followers ni Joey, agad nilang pinangalanan si Korina na siya diumanong pinatututsadahan ng Eat Bulaga! host.

Sa mga sumunod niyang tweets nitong December 9, tila nagbigay ng clue si Joey na may kaugnayan sa news reportage ni Korina ang mga pasaring niya.

0 comments:

Post a Comment